12:05 AM by
hanzsapitan
, under
Kwaderno, Litrato..NatGeo
Ang mundo ay hindi
Isang kwadernong nakasabit

Sa lumang dingding
Ang karagatan ay hindi
Isang hawlang
Gawa sa salamin
Hindi rin 555, Century
O anumang delata
Ang laman-dagat
Hindi sa NatGeo o Discovery
O anong palabas ito
Maaaring maranasan

Hindi sa papel
o muebles maaalala
ang matayog na kagubatan
Hindi sa mga pahina
O sa Wikipedia
Malalaman ang mga kasagutan
Ang mundo ay hindi
Hugis parisukat
O gawa sa papel at lata
Walang hugis, sukat at pahina
At lalong hindi isang kwento
Ang buhay..
ISTROL
Paano ko lahat maipapaliwanag
Ang mga bagay sa iyong paligid
Ano ba ang muwang ng isa at 3 taong gulang
Pero ayokong namang palagpasin
Ang lahat ng pagkakataon
Na mararanasan nyo pa ‘to
Tuminingin kayo sa itaas
Malawak.. malayo.. mataas
Yan ang hangganan ng pangarap
Tara at magpagulong gulong
Sa lawak ng luntiang simula
Balang araw tatayog din kayo
Gaya ng mga iyan
Ipunin ang takot at kaba sa dibdib
Kapit kayo at baka tangayin ng agos
Sige lang magtampisaw kayo hanggat gusto nyo
Bilisan ang takbo at naryan na ang ulan
Didiligin nito ang mga wish nyo
At ililipad papalayo ng paro-paro
Sana lang wag nyo kakalimutan
Ang kaisa-isang bilin ko:
Ang iparanas ang mga ito
sa magiging anak nyo
Si Tukmol, Si Hillary , ang Acacia at ang Adobong Global Warming
Kung nais kong talikuran
Ang magulong mundo
Humahangos papalapit sayo
At sa dibdib parang batang
Nagsusumbong humahangulgol
Nakalugmok nagmamaktol
Sana pag-idlip ikay nanadyan
Sana pagdilat ko muli
Nananatiling nandiyan
---
Di naman nila ako naiintindihan
Kebs ba nila sa king nararamdaman
Pero ikaw, lagi mong knows
Ang mga anik-anik ng puso ko
Kung maka-wish lang
Sa aking fairygod mother
Sana pagtubo ng aking mga uban
Sa bisig mo ako parin ay hahagkan
---
Uy wiz ako ma-sey
Kakaiba ang drama mo
Diz past few days
Dati jutay na thunderstorm
Ipo-ipo lang ang hatid
Ngayon, Luz Valdez ang lahat
Sa Ondoy at Pepeng effect
Keri mo rin pagliyabin
Ang forest ni mother earth
Pati mga pagyugyog mo
Ay ka-alert alert!
Mga penguin sa north pole
Natuto na ring mag-migrate
Pati ibang wildlife
Di na rin ma-locate
Di mo na siguro feel
Ang mga anik anik ng mga tao
Kaya eto ang ganti mo
Sa nakaka-lurkee na mundo.
|
8:59 AM by
hanzsapitan
, under
Pisi mula sa sirang sintas ng sapatos
Ala-ala mula sa paltos na sakong
Isang basyong bote ng coke sakto
Pakete ng dyobos para sa kupas na maong
Panungkit na gawa sa alambreng sampayan
Lumang pisong kinaskas sa magkabilaan
Isang latang-kahon mula sa biskwit ng Fita
Mga bulalakaw at bituin mula sa kalawakan
Regalong iniwan sa may pintuan
Hatid ng LBC padala.
|
10:57 AM by
hanzsapitan
, under
This will be my first time to write a love letter for my beloved wife, oops wait, an open LOVE letter rather. I'm not not making any charing charing with this one coz I'm dead serious! Promise!
Dear Bi, (Short for Baby)
Hi! Before anything else Syet! ang hirap naman mag-umpisa. Sige ganito na lang..
Wazzup! I know late na to for valentines, di nga tayo nakapag-date man lang that time, and matagal pa ang ating 4th anniversary, pero I think di kailangan ng okasyon or pumili ng date para sabihin o iparating sayo ang nasa loob ko.
Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa akin, pero nakita ko at nadama ko kung gaano mo ako kamahal, Hindi ako bulag para di makita ang mga to, di rin ako manhid para di maramdaman ang lahat.
Naalala mo pa noong nag-uumpisa tayo? Noong nag-give up ka sa career mo para alagaan yung inumpisahan nating pamilya?
Naalala mo paba yung hirap natin noong pinili nating tumayo sa sarili nating mga paa? Noong mas pinili mo manatili sa tabi ko gaano man kahirap ang sitwasyon?
Ansarap balik-balikan nun! Di ko makakalimutan yung time na walang wala tayo, 20 pesos na lang pera natin, buntis ka sa panganay natin noon, walang laman yung lalagyan ng bigas, walang ulam sa kaldero, 2 araw pa bago ang sweldo. Kailangan nating kumain, pero wala tayo pambili. Malayo tayo sa mga pamilya natin para humingi ng tulong, ayaw din natin sila istorbohin. Nagkasundo tayong isanla yung luma natin celphone, pero tinanggihan sa pawnshop kasi wala na daw value yun dahil sa luma na ito.
Parang nadurog ang puso ko that time.Natakot ako dahil baka magutom ka at yung baby sa tyan mo. Nakita ko kung gaano mo pinigil yung luha mo. May choice ka para umuwi muna sa inyo pero pinili mong manatili sa tabi ko, dahil mahal mo ako.
Dalawang beses mo din inilagay ang buhay mo sa alanganin sa pagluwal ng dalawang anghel natin, pinilit mo palakasin ang loob mo. Hindi ko kayang tumbasan ang ginawa mong iyon.
Batid ko rin ang hirap mo sa pagpapalaki sa mga bata- ang pagpupuyat para sa kanila, ang walang pagod na pagkarga at pagkalinga sa kanila, ang paglalaan ng iyong sarili sa ngalan ng pagmamahal at pagiging mabuting ina.
Di mo alintana ang oras at lalim ng gabi para gampanan ang gawaing bahay, di mo rin alintana ang mga sugat sa iyong kamay twing nilalabhan mo ang mga damit; o ang init ng tilamsik ng mantika sa twing magluluto ka na may hawak na bata.
Alam kong naiinggit ka sa mga kaibigan mong may kanya kanyang career, o yung mga kaibigan mong saksakan ng arte na walang alam kundi ang maglagay lang ng kolorete sa mukha o di kaya ay maki-ride sa mga uso; pero bale wala sa iyo yun, balewala ang lahat ng yun, para sayo. Dahil alam mong higit na kailangan ka ng pamilya mo kesa unahin ang sarili mo.
Ano ba ang dapat kong gawin para suklian ang lahat ng ito? Kahit nga yata bugbugin kita sa pagsasabi ng "I LOVE YOU" o "MAHAL KITA" minuminuto ay hindi sapat.
Wala akong hangad sa buhay kong ito kundi ang mahalin at suklian ang kabutihan mo. Ikaw- na karugtong ng hininga ko, kabiyak ng puso at kaluluwa ko, ikaw na rason kung bakit ang pinagkalooban ako ng hininga.Nilalang ako mula sa alabok upang samahan ka dito sa mundong ito na puno ng pighati, pero sa piling mo lahat ng nakikita namin ng mga anak mo ay pawang kabutihan at pagmamahal mo.
Salamat mommy sa patuloy na pagpaparaya at pagmamahal. Mahal na mahal ka ng puso ko.
Nagmamahal,
Daddy, Kuya,& Bunso
*singhot*
|
11:20 AM by
hanzsapitan
, under
Sabi nila, isipin kita ng bawat minuto
idikit sa aking imahinasyon
at namnamin ang iyong presensya
gumising na parang ikaw ang nasa tabi
Isang milyong gabi nang nagtatagpo sa panaginip
isang milyong araw minamasdan at pinapangarap
isang pagtataksil na matagal nang tinatago
isang kahibangang kinalolokohan
Kinikimkim ang hapdi at sakit
na dulot ng iyong kawalan
isang pagdaing na paulit ulit
na inuusal sa taas na may kapal
Kung sakaling ikaw ay mahagkan na
at lahat nang meron ako'y mawala
dadalhin ka san man dalhin ng aking mga paa
hahagkan hanggang iguhit ang huling hininga
|
8:40 AM by
hanzsapitan
, under
(Para sa mga sawi, broken hearted, emo, niloko.. nye nye nye nye nye..) Rakenrowl
Emotionally unstable ang drama ng buhay mo ngayon
sa apat na madilim na sulok ng kwarto mong amoy paa
Binubulalas ang kinikimkim mong bitterness, tsaka ka
Hihingi kay BRO ng kasagutan habang nakahilata
Di kayang i-define ng algorithms at SOCATOA
maging ng Wikipedia ang hapding iyong nadarama
ang pangungulila sa pag-ibig na nag-bye bye na
at sa pagtataksil ng hitad mong nobya
Lagi ka pa ring updated sa whereabouts nya
Pilit mo siyang sine-search sa google
At ini-add sa facebook, friendster at twitter
At lagi nyang pag-ignore, pagreport abuse, at block user
Kahit lunurin mo pa ang sarili mo sa gin, vodka at tequila
Kahit humilata ka pa sa maharlika highway at kalsada
At magpasagasa sa mga sasakyang dumaraan
Hindi ka na nya babalikan
Kahit hiwain mo pa ng Gillete blade
Ang pulso mo nang makailang beses
Para maging manhid sa sakit ng iyong feelings
Hindi na talaga sya babalik sayo
Basagin mo man ang eardrum mo
At i-full ang volume ng stereo mo
Para iwaglit ang memories nyang naiwan sayo,
Paulit ulit pa ring tatakbo sa isip mo
Hamunin mo man ng suntukan ang buong barangay
O i-salvage ang lahat ng mapadaan sa inyong bahay
Magtanim ka man ng bomba sa tapat ng kanila gate
O manghijack ng isang jet at i-crash sa kanyang kawarto
Hindi na sya babalik sayo
Until now hindi mo pa rin matanggap
May iba nang lumalandi sa kaya
At im so sure,happy rin syang nakikipaglandian dito
At wish mo lang ikaw ang kalandian nito
Marahil ngayon may kasama na syang iba
Sabay nilang nilalasap ang bawat sandali
Ng kanilang pagsasama
Pawang mga halinghing at malalanding moan
At paglangitngit ng kama, ang maririnig sa kanila
Ini-enjoy na ngayon ng bago nyang jowa
Ang mabango at malambot nyang katawan
Na never mo natikman, dahil lagi nyang dahilan
“its not yet the right time”
Parang sasabog ang dibdib mo
Habang nakatayo sa tapat ng kanilang bintana
At minamasdan ang naglalandian nilang mga anino
Oohh, ouch ang sabi ng iyong puso
Hindi na sya babalik sayo..
Tanga na kung tanga, pero talagang antanga tanga mo
Pero pakinggan mo ang payo ng betlog mo
Bukas,sisilip ang KEPS ng ibang bituin..para sayo
|